Pagtaas ng presyo ng sardinas di magtatagal—BFAR

IMBES tatlong buwan, iminumungkahi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na gawing dalawang buwan na lang ang pansamantalang pagba-ban sa panghuhuli sa isdang tamban sa Zamboanga, ang Sardines Capital ng bansa.

Ayon kay BFAR Director Asis Perez, sa kanilang pag-aaral ay tatagal lamang ng halos dalawang buwan ang pangingitlog ng mga isdang tamban, na pangunahing dahilan kung bakit iminungkahi ang pansamantalang pagbabawal sa panghuhuli ng sardinas sa probinsya.

Base pa kay Perez, sa pag-aaral na kanilang ginawa ay Nobyembre hanggang Disyembre nagsisimulang mangitlong ang isdang tamban.

Kung mabibigyan aniya ng laya ang mga isda laban sa mga lambat ng mga mangingisda, ng pagkakataon na mailuwal ang mga itlog at mabuhay ang milyun-milyong maliit na tamban.

Dahil dito, naniniwala si Perez, na hindi magtatagal ang posibleng pagtataas sa presyo ng bawat lata ng sardinas, dahil mas dodoble pa ang mahuhuling tamban sa karagatan.

Una nang nagmungkahi ang Fisheries and Aquatic Resources Management Council na gawing tatlong buwan ang fishing ban sa karagatan na magsisimula ng Nobyembre at magtatapos sa Enero sa na taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply