Pagtapyas sa pondo ng SUCs kinondena

BINATIKOS ni San Juan Rep. JV Ejercito ang patuloy na pagtaas ng alokasyon ng administrasyong Aquino sa conditional cash transfer (CCT) program at pagbaba naman sa pondo para sa mga state universities and college (SUC).

“Spending excessively for dole-outs is not necessarily the right solution. Why should the government provide people fish to eat, when we can train them how to fish?” giit pa ni Ejercito.

Ayon sa kongresista, matagal nang napatunayan na ang human resources ang pangunahing nag-aakyat ng ekonomiya ng bansa gaya ng mga overseas Filipino worker (OFW), kaya walang dahilan para kaligtaan ng gobyerno na sanayin at bigyan ng kalidad na edukasyon ang mga mag-aaral upang makahanap ng trabaho.

Paliwanag pa ng kongresista na sa kabila ng pagkakaroon ng alokasyon na P31 bilyon sa sektor ng edukasyon ay patuloy naman ang pagtapyas sa pondo ng SUC.

Mula sa dating P23.08 bilyon ay ginawa na lamang itong P21.892 bilyon na makikita sa National Expenditure Program.

“It is my fervent hope that the government put into mind that every billion we put into education will always be a good investment,” ayon sa Ejercito.

Kinalampag din ng mambabatas ang administrasyon na magising sa pagkakatulog at unahing dagdagan ang  pondo ng edukasyon, particular ng mga SUC.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply