Pagtataas ng singil sa orthopedics binatikos

BINATIKOS ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño ang biglang pagtaas ng singil sa health services ng Philippine Orthopedic Center (POC) sa nakalipas na ilang buwan.

Pinagpapaliwanag ng mambabatas ang pamunuan ng POC kung ang nasabing pagtaas ay para “patamisin” ang public-private partnership scheme sa ilalim ng Department of Health sa private investors.

Nauna rito ay nagpalabas ng Hospital Order No. 33 series 2011 ang Orthopedic Center na nagsasaad na: “As part of the revenue enhancement program and for improved management of costs and expenditures in hospital operations, the herein proposal for increased fees for laboratory and radiologic procedures are hereby prescribed for adoption….This order shall take effect 16 March 2011.”

PHILIPPINE ORTHOPEDIC CENTER

Radiology Procedures Old Rate New Rate Increase % Increase
Chest PA Adult 120 250 130 108%
Chest PA Lateral 240 440 200 83%
Pedia (2 views) 195 260 65 33%
Lordotic 110 260 150 136%
Thoracic cage 120 300 180 150%
Shoulder, Clavicle, Scapula, Sternum 105 300 195 186%
Elbow, Wrist Hand (2 views) 205 250 45 22%
Humerus, Forearm APL 205 350 145 71%
Femur, Leg APL 105 350 245 233%
Knee APL 240 360 120 50%
Knee (Standing Bilateral APL) 240 650 410 171%
Knee (Standing 1 Side APL) 120 345 225 188%
Pelvis, AP, Frogleg View 120 350 230 192%
Pelvis Inlet  & Outlet View 205 350 145 71%
Hip APL, Judet View 205 450 245 120%

 

Sa halip na magpapasok ng bagong private investors, nais ni Casiño na taasan ang budgets para sa public hospitals upang masigurong abot-kaya ang presyo ng medical services sa bansa.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply