Pahinanteng tibo nagulungan ng trak ng basura

PATAY ang isang pahinanteng tomboy makaraang mahulog at magulungan ng kinalululanang garbage dump truck sa Quezon City kaninang madaling araw, Agosto 20.

Kinilala ang biktima na si Eden Bunao,42, ng No. 11 Empire  Hilltop, Barangay Payatas, QC.

Si Bunao ay namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente dahil sa tinamong matinding pagkalasog ng katawan.

Kusa namang sumuko sa traffic police si Mario Lorenzo, 25, driver ng Izuzu dump truck (UAV- 847) ng No. 028 Empire Hilltop, Payatas, QC.

Ayon sa ulat ng Quezon City Traffic Enforcement Unit Traffic Sector 5, naganap ang insidente dakong 12:30 ng madaling araw kanina sa tapat ng gusali na ‘di kalayuan sa Batasan Hills sa may Commonwealth Avenue, QC.

Sinabi sa ulat galing umano sa Tandang Sora ang nasabing dump truck garbage collector na kinalululanan ng biktima at minamaneho ni Lorenzo patungo sa IBP Road at habang binabaybay ang kahabaan ng Commonwealth Ave. pagsapit sa may kanto ng Batasan Hills sa tapat ng isang gusali ay bigla na lamang nawalan ng balanse ang nakatayong si Bunao at nahulog ito.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon na nang bumagsak ang biktima sa ibaba sa bangketa mula sa kinatatayuan niya sa kanang bahagi ng dump truck ay nagulungan pa siya ng sasakyan na naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply