Pakialam

ANG bulung-bulungan, isa raw si Sec. Albert Lim doon sa tatlong tinutukoy ni Pangulong Noynoy Aquino na miyembro ng kanyang gabinete na

nagbibigay sa kanya ng sakit ng ulo tuwing makikita nya.

Kaya raw nagresign si Lim ay na-bully at hindi na nakayanan ang pressure sa loob.

Kung ako, hindi ko na sasakyan ang isyu kung bakit nag-resign si Lim.

Pasalamat na lang tayo sa naging serbisyo niya sa bayan at hayaan na natin siya kung saan niya gustong pumunta.  Ang mas mahalagang isyu para sa akin ngayon ay kung paano maiaangat ang DOT para maiangat din ang imahe ng Pilipinas.

Siyempre hindi lang naman ito trabaho ng DOT. Trabaho din ng militar sa ilalim ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at maging ng pulis sa ilalim

ng Philippine National Police at ng Department of Interior and Local Government na mapanatili naman ang kaa-yusan at seguridad ng mga gustong bumisita sa bansa.

Tapos nandyan din ang isyu ng malinis at maayos na airport at ng efficient na Immigration.

Maraming may responsibilidad para maengganyo ang mga turista na pumunta rito at gumasta sa Pilipinas hindi lang ang DOT.

Pati ang attitude nating lahat ay may pakialam sa isyung ito – yung nakagawian na nating tukso sa sarili natin, na kapag may hindi maganda

tungkol sa Pilipinas at mga Filipino ay lagi nating sinasabi na “only in the Philippines”, dapat mabago na natin ito.

Dapat kapag sinabing “only in the Philippines” ang ibig sabihin ay pawang maganda at positibo. Malaki ang hamon sa susunod na Kalihim ng DOT.

Ang huling ulat na nabasa ko, masyado raw mababa ang bilang ng turista taon-taon dito sa Pilipinas kung ikukumpara sa mga turista sa karatig

nating mga bansa. Kung tutuusin ay mas maraming magagandang tanawin dito sa atin at mas mura pa ang serbisyo at mga bilihin.

Bakit hindi natin nasasamantala ito? Laging kulelat tayo, laging huli tayo sa pila. Malaki ang pera na pwedeng iakyat ng Turismo sa bansa

kaya dapat lang na mataas ito sa prayoridad ng administrasyong Aquino.

Sana ay ibase ng Pangulo ang pagpili sa papalit kay Lim sa tindi ng mga dapat ayusin sa ahensya.

Kayo ano ang mungkahi ninyo kay Pangulong Aquino ngayong nasa proseso sila ng pagpili ng susunod na Secretary of the Department of Tourism?

Mag text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail. com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply