Pakiusap ng Ombudsman sa media: ‘Wala munang panayam’

INAALAM pa ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pasikot-sikot o kasalukuyang sistema at programa ng Office of the Ombudsman kaya hindi muna ito nagpapaunlak ng panayam sa mga mamamahayag.

Ginagawa ito ni Ombudsman Morales sa pamamagitan ng pagsasagawa ng serye ng konsultasyon at maparaang pagpaplano habang nasa transition phase pa lamang ang kanyang tanggapan.

“This is the reason the Ombudsman has not granted interviews with the Office media partners. She thus begs the indulgence of our partners in the media industry,” paliwanag ni Office of the Overall Deputy Ombudsman Director Mary Rawnsle V. Lopez sa isang opisyal na press statement.

Tiniyak naman ng bagong Tanodbayan na magiging transparent ang kanilang tanggapan sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko hinggil sa mga agarang programa at aksyon nito, gayundin ang kongkretong mga plano kapag nakumpleto na ang mga ito matapos ang serye ng konsultasyon at maparaang pagpaplano.

Samantala, isa sa mga unang hakbang na isinagawa ni Ombudsman Morales pagkaupo pa lamang niya sa puwesto ay ang pag-utos na kumuha ng mahigit 100 abogado upang maglingkod sa Tanggapan ng Tanodbayan.

Layon umano nitong mapabilis ang disposisyon ng mga kaso na hawak ng Office of the Ombudsman.

Ayon kay Ombudsman Morales sa opisyal na press statement ng kanyang tanggapan, ang makukuhang mga abogado ay magsisilbi bilang Graft Investigation and Prosecution Officers at Assistant Special Prosecutors.

“The Office is looking for competent lawyers with unquestionable integrity, who have at least three years of relevant experience in the practice of law,” pahayag pa ni Morales.

Sa mga interesadong partido, pinapayuhang hintayin ng mga ito ang kanilang anunsiyo at patalastas na ilalathala sa OMB website (www.ombudsman.gov.ph) upang mabatid ang qualification standards para sa mag-aapply at iba pang detalye.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply