PAL tutulong sa repatriation ng mga Pinoy sa Syria

TUTULONG na ang Philippine Airlines (Pal) sa isinasagawang repatriation ng pamahalaan sa mga Filipino sa Syria, iniulat ngayon ni presidential spokesperson Edwin Lacierda.

Ayon kay Lacireda, nagpapasalamat ang Malakanyang sa pamunuan ng Pal at kay president at chief operating officer Jaime Baustista sa pagtulong na ito ng kompanya sa mga Pinoy na nalalagay sa panganib sa Syria dahil sa patuloy na paglala ng kaguluhan doon.

Una rito ay itinaas na ng Department of Foreign Affairs ang alerto sa Syria sa level 3 dahil sa mas lumalalang sitwasyon doon. Sa alert level 3 ay ipinatutupad ang voluntary repariation.

Samantala, ang DFA na ang bahala kung paano makikipag-ugnayan sa mga employer ng mga OFW sa Syria na payagan ang mga ito na makauwi ng Pilipinas.

May mga naglabasang report ukol sa pagrereklamo ng mga Pinoy sa mga Syrian employer dahil hindi pinapayagan na makauwi ng Pinas ang mga OFW.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply