Palaboy sa lansangan uubusin sa buong bansa

HINDI lang sa Metro Manila nais ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung hindi sa buong bansa na ubusin ang mga palaboy sa mga lansangan.

Ayon kay Social Welfare Secretary Dinky Soliman, nilagdaan na ng tanggapan at Department of the Interior and Local Government, Council for the Welfare of Children, United Nations Children’s Fund o UNICEF at iba pang non-government organizations ang isang declaration of commitment upang tuluyan nang maalis ang mga palaboy sa mga lansangan.

Aminado naman ang kalihim na hindi lang ang street children ang problema ng ahensya kundi maging ang tinatawag na street families at Badyao families na ginagawang bahay ang kalsada.

Batay sa talaan ng DSWD, 3,000 street children na ang kanilang naitatala sa Kalakhang Maynila na karamihan ay mula sa Quezon City, Manila, Pasay at Caloocan.

Magugunitang lumagda na sa isang kasunduan ng ahensya ang mga alkalde ng 17 lungsod sa National Capital Region (NCR) noong nakaraang Agosto 9.

Target ng DSWD na matapos nila ang pagwawalis sa mga palaboy nago matapos ang 2011 dahil mapanganib ang pagtira sa lansangan.

Bukod pa rito, makasasama sa kalusugan nila ang usok na nalalanghap mula sa mga tumatakbong sasakyan sa mga lansangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply