Palasyo kay FG: ‘Wag mapraning sa watchlist

PINAYUHAN ng Malakanyang si dating Unang Ginoo Atty. Mike Arroyo na huwag mapraning sa inilabas na watchlist ng Justice Department laban sa kanya.

Ayon kay Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Secretary Ricky Carandang, walang dahilan para magwala ang dating Unang Ginoo dahil watchlist lamang aniya ito at malinaw na wala silang nilabag na karapatang-pantao.

“FG should stop whining. Its just a watchlist,” ayon pa sa kalihim.

Sa ulat, pinaiimbestigahan ng Department of Justice (DoJ) kay Bureau of Immigration Commissioner Ricardo David ang report na hindi dumaan sa “usual immigration processes” si dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo sa kanyang paglabas ng bansa noong Hulyo  31.

Nauna rito, sinabi ni Justice Sec. Leila de Lima, na nais umano nitong malaman kung paano nakapuslit palabas ng bansa si Arroyo nang walang iniwang records sa immigration.

Kumbinsido pa ang kalihim na maaaring may tumulong sa dating Unang Ginoo para ma-proseso ang travel documents nito patungong Hong Kong.

Subalit, base sa ulat, umalis ng bansa si Arroyo sa nabanggit na araw lulan ng Cathay Pacific flight.

Si Arroyo ay nagtungo sa Hong Kong para sumailalim sa medical check up sa harap na rin ng imbestasyon ng Senate blue ribbon committee para magpaliwanag sa pagkakadawit sa maanomalyang bentahan ng helicopters sa Philippine National Police (PNP).

Tiniyak naman mismo ni Arroyo na uuwi siya ng bansa sa susunod na linggo para harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply