Palasyo kinalampag sa dengue

KINUWESTIYON ni Sen. Ralph Recto ang Palasyo dahil tila hindi umano nito binibigyan ng prayoridad ang lumalalang kaso ng dengue.

Ayon sa senador, dapat bigyan ng atensyon ng Malakanyang ang problema sa Palasyo na tulad ng ibinibigay nito sa Reproductive Health Bill.

“Malulunasan natin ang pangangailangan ng kababaihan sakaling maisabatas ang RH bill, ngunit magagapi naman tayo sa laban sa pagliligtas ng kabataaan mula sa lamok na nagkakalat ng dengue kundi kaagad tutugunan ang isyung pagkalusugan na ito,” ayon kay Recto.

“I believe that there should be fast and prompt approach to addressing this (dengue),” dagdag ng mambabatas.

Sinabi pa ni Recto na dapat maghanap ng dengue antidote imbes na mamahagi ng mga condom.

“Sometimes, the fate of the nation does not lie in a piece of legislation but on how its leaders set their priorities,” ayon kay Recto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply