Palasyo kinalampag sa epekto ng krisis sa US

INIUTOS ng Senate finance committee ang Palasyo sa pamamagitan ng Development Budget Coordinating Committee (DBCC) na magsagawa kaagad ng pagtatasa sa magiging epekto ng pagbagsak ng ekonomiya ng US matapos bumagsak ang credit ratings nito.

Sa panayam matapos ang budget briefing ng DBBC sa 2012 national budget, sinabi ni Sen. Franklin Dfrilon na dapat magsagawa ng maingat na pagtatasa ang DBCC sa epekto ng paglugmok ng ekonomiya ng US sa pangkalahatang kalalan ng bansa.

Sinabi ni Drilon na mapanghamon ang badyet sa susunod na taon dahil sa pagbagsak ng credit ratings ng US dahil ito ang pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo.

“Hindi nangyari simula pa nong 1917 at dapat maging maingat tayo hinggil sa pagsusuri na isasagawa ng ating economic manager hinggil dito,” ayon kayn Drilon.

Ayon pa kay Drilon, kinuwestiyon niya ang DBCC sa espisipikong bagay kung babaguhin ang budget assumptions dahil pinanday ang gastusin nang wala pang nangyayaring credit downgrade sa US na siyang magpapabago sa pagtataya sa paglago ng Gross Domestic Products (GDP) na lubhang makaaapekto sa hanapbuhay.

“The DBCC has agreed that after tomorrow we will meet again probably in another two months time to make a better assessment on the impact of this downgrading by S&P,” paliwanag ni Drilon.

Ipinaliwanag ng DBCC sa pagdinig na kapag nagkaroon ng ubo ang dambuhalang ekonomiya tulad ng US at China, lilipas muna ang anim na buwan bago maramdaman ng PIlipinas ang epekto.

“So here, to be precise about it, it will take a little time for us to assess what the impact will be,” paliwanag ni Drilon.

Sa ngayon, pinagtutuunan ni Drilon ang under spending sa nakaprogramang deficit na P152 bilyon sa dalawang yugto ng 2011, dahil umaabot lamang sa P17.5 bilyon ang actual deficit sa katulad na panahon.

“This really means that we have not been spending and the classic example is the P20 billion lump sum appropriations for DPWH where less than P500 was million spent,” aniya.

Nakatakdang magsumite ang DBCC ng report hinggil sa masusi at maingat na pagtataya sa epekto ng US credit downgrade sa susunod na dalawang buwan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply