Palasyo: Pagkasama ni GMA sa BI watchlist di paghihiganti

HINDI panggigipit sa pamilya Arroyo ang pagkakapaloob sa watchlist order ng Bureau of Immigration ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria MacapagalArroyo, ayon sa Malakanyang.

Niliwanag din ni presidential spokesman Edwin Lacierda na ang Senado ang humiling sa Department of Justice (DOJ) na maisama sa listahan si dating Unang Ginoong Mike Arroyo.

“Let me clarify that the watch list order that was issued by (Justice) Secretary Leila de Lima was a result of the request of the Senate because there was a Senate investigation,” ayon kay Lacierda.

Kaugnay naman aniya sa pagkakasama ni Gng. Arroyo sa watchlist order, sinabi ni Lacierda na resulta ito ng reklamo na nakasampa sa Ombudsman.

Aniya pa, pasok pa rin sa mga alituntunin ukol sa watchlist ang ginawa ni De Lima.

“So it is not again out of vengeance. But there is a basis to issue those watchlist order and I hope her family would know and also, since Atty. Raul Lambino is a lawyer, he should be very well aware of that particular fact,” sabi ni Lacierda.

Kinumpirma ni Lambino na nakarating na umano sa dating Pangulo ang ipinalabas na watchlist order ng DOJ.

“Nakarating na po sa kaniya (Gng. Arroyo) ang tungkol sa watchlist order ng inisyu laban sa kaniya ng Department of Justice. Siyempre, hindi po siya masaya kung bakit sini-single out ang kaniyang pamilya,” anito.

Sa ngayon umano ay hinihintay pa ng mga abogado ni Arroyo ang kopya na order ng DOJ para mapag-aralan ang gagawing hakbang laban dito.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply