Palasyo pumalag sa travel ban ng HK

PINALAGAN ng Malakanyang ang pananatili ng travel ban na ipinalabas ng Hong Kong laban sa Pilipinas dahil ikinumpara nito ang bansa sa Syria na may matinding kaguluhan.

Ayon kay deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte, unfair ang patuloy na pananatili ng Outbound Travel Alert (OTA) na ipinalabas ng Hong Kong government laban sa Pilipinas.

Matatandaang nananatili ang travel ban ng Hong Kong sa bansa kasunod ng nangyaring Manila hostage crisis na mag-iisang taon na sa darating na August 23.

Kumbinsido ang Malakanyang na makikita ng Hong Kong government ang pagkakaiba ng Pilipinas at Syria para magkaroon ng downgrade sa travel alert.

Ginagawa naman ng Pilipinas ang lahat para maayos ang seguridad at hindi na maulit ang nangyari sa hostage crisis.

“We hope there will be downgrade at makita naman nila pagkakaiba ng Syria at Pilipinas,” ang pahayag ni Valte.

Sa ulat, binigyang diin ng Hong Kong government na nananatili pa rin ang banta laban sa seguridad ng mga dayuhan sa bansa.

Sa ipinalabas na kalatas ng Security Bureau ng Hong Kong Special Administrative Region para sa outbound travel alert system, naka-enforce pa rin ang severe threat na inisyu noon pang Agosto 23, 2010.

“Serious hostage-taking incident happened in Manila on 23 August 2010, residents should avoid all travel to the country; those who are already there should attend to personal safety and exercise caution,” ayon sa ulat. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply