Palasyo tiwala kay Justice Reyes

TIWALA ang Malakanyang sa kuwalipikasyon ni bagong Supreme Court associate justice Justice Bienvenido L. Reyes.

Ang appointment ni Reyes ay pormal na inanunsyo sa Korte Suprema kaninang hapon matapos matanggap ang transmittal mula sa Malacañang.

Batay sa records na hawak ng Palasyo, si Reyes ay beterano na sa hudikatura.

Noong July 1990, nagsilbi itong Presiding Judge ng Malabon RTC at saka naitalagang associate justice ng Court of Appeals noong August 8, 2000.

Naging recipient ito ng iba’t-ibang awards tulad ng pagiging most outstanding alumnus ng Colegio de San Pascual Baylon at most outstanding Obandeño sa larangan ng batas noong 2003.

Si Justice Bienvenido L. Reyes ay ipinanganak noong July 6, 1947 sa Obando, Bulacan at nagtapos ng Ll.B Degree sa San Beda College noong 1971.

Pumasa sa Bar examinations nang taon ding ‘yon at nakakuha ng rating na 81.6%.

Bago pumasok sa hudikatura, nakapagtrabaho na rin ito bilang vice president for legal and corporate affairs ng R.C. Silverio Group of Companies mula 1975 hanggang 1981 at noong 1982, itinatag niya ang Reyes, Daway, Lim, Bernardo, Lindo and Rosales Law Firm.

Nagsilbi na rin itong chairman, director, president at corporate secretary ng iba’t-ibang private corporations; board secretary ng National Home Mortgage Finance Corporation at chairman ng Board of Celebrity Sports Plaza.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply