Palasyo usad-pagong vs nakawan sa Customs

HINDI na dapat pagkatiwalaan pa ang administrasyong Aquino kung magpapatumpik-tumpik pa ito laban sa opisyales ng Bureau of Customs na may kinalaman sa pagkawala ng mahigit sa 2,000 container vans.

Nawala ang nasabing mga container van – na naglalaman ng appliances, tiles, building materials at plastic resins – mula Enero hanggang buwan ng Hunyo habang ibinibiyahe ang mga ito mula Port of Manila at MICP (Manila International Container Port) patungong Batangas Port.

Escorted pa ang mga ito ng mga armadong personnel ng Customs police nang isa-isang mawala!

Tanggalin muna sa kani-kanilang puwesto ang mga pinaghihinalaang sangkot habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Tutukan din sa imbestigasyong ito ang ilang opisyal ng Department of Finance at Bureau of Internal Revenue na maaring kasabwat din ng smuggling syndicate sa BoC.

Pero higit sa lahat, tanggalin na muna itong si Customs Commissioner Angelito Alvarez.

Ginagawa niyang tanga ang taumbayan kapag napag-uusapan na ang mga nakawan sa BoC magmula nang siya ay maipuwesto doon.

Sino ang maniniwala sa katuwiran niya na wala siyang alam tungkol sa nawalang mga container van mula Enero hanggang buwan ng Hunyo ng  kasalukuyang taon?

Gayung ang kanyang pinagkakatiwalaang executive assistant, na bitbit niya nang maupo siya sa BoC, ang nagbigay ng clearance para ma-release at maibiyahe ang mga ito sa loob ng anim na buwan.

Paano mawawala ang mga container van kung walang sabwatan sa pagitan ng tanggapan ng komisyuner, port collectors at ng mga smuggler na sinasabing pinangungunahan nitong si Elvinario Valenzuela, alyas “Boy Valenzuela?”

At mayroon pa palang 1,400 container vans ang napaulat na nawawala rin. Naganap daw ito habang ibinibiyahe ang mga container vans mula MICP patungo sa kalapit na Port of Manila mula buwan ng Enero hanggang Mayo ng taong ito.

Tanggalin na muna itong si Customs Commissioner Angelito Alvarez.

Ginagawa niyang tanga ang taumbayan kapag napag-uusapan na ang mga nakawan sa BoC magmula nang siya ay maipuwesto doon.

Sino ang maniniwala sa katuwiran niya na wala siyang alam tungkol sa nawalang mga container van mula Enero hanggang buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon?

Gayung ang kanyang pinagkakatiwalaang executive assistant, na bitbit niya nang siya’y maupo sa BoC, ang nagbigay ng clearance para ma-release at maibiyahe ang mga ito sa loob ng anim na buwan.

Paano mawawala ang mga container van kung walang sabwatan sa pagitan ng tanggapan ng komisyuner, port collectors at ng mga smuggler na sinasabing pinangungunahan nitong si Elvinario Valenzuela, alyas “Boy Valenzuela?”

At meron pa palang 1,400 container vans ang napaulat na nawawala din. Naganap daw ito habang ibinibiyahe ang mga container van mula MICP patungo sa kalapit na Port of Manila mula buwan ng Enero hanggang Mayo ng taong ito.

Malaking kabalbalan kung sasabihin ni Alvarez na hindi rin niya alam ito!

Kaya pala sa loob ng anim na buwan ng taong kasalukuyan, umabot na sa P22 bilyon ang halaga ng sablay nitong si Alvarez sa tax quota ng BoC sa ating gobyerno.

Siyanga pala, totoo ba na dalawang miyembro ng grupong “KKK” sa Malakanyang ang nagsisilbing protektor nitong si Alvarez at ng mga smuggler sa BoC?

Daan-milyong piso daw kasi ang inihahatag kada buwan ng sindikato sa BoC sa mga “bosing” na ito sa Palasyo.

Para sa akin, mahirap itong paniwalaan. Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nananatili pa rin si Alvarez sa BoC sa kabila ng mga kapalpakan nito?!?

Malaki na ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa smuggling. Paulit-ulit na lang ito at mukhang hindi kaya ng kahit sinoman ang mamuno sa gobyerno!

***

Anomang reklamo, komento o suhestiyon, text o tawag lang sa 0999-4333437 o kaya’y e-mail lang sa boyetmunar@yahoo.comat malugod ko kayong paglilingkuran!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply