Palayain na ang mga political prisoner – Danny Lim

NANAWAGAN ngayon sa pamahalaang Aquino si dating military general Danilo “Danny” Lim para palayain na ang political detainees na patuloy na nagdurusa sa kulungan dahil sa kasalanang hindi nila kailan man ginawa.

Ayon kay Lim napapanahon na upang makalabas na ng selda ang mga nabanggit na bilanggo na karamihan ay mayroon ng sakit at patuloy na naghihirap dahil sa krimen na hindi nila ginagawa.

Matatandaan na si Lim ay napiit sa bilangguan kaugnay sa pagkakasangkot sa 1989 coup at 2006 Marine standoff para mapatalsik ang rehimen ng noo’y Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Napalaya si Lim dahil sa ibinigay na kortesiya ni Pangulong Benigno Aquino III para sa amnestiya sa mga renegade soldiers at policemen nitong nakalipas na taon.

Nitong nakaraang Sabado, Agosto 13, iminungkahi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Pangulo na palayain na ang mahigit sa 300 political prisoners sa pamamagitan ng pagpapataw ng Executive Clemency lalo sa mga nakapagsilbi ng matagal na panahon sa hindi makatarungang iginawad na hatol.

Umaasa ang human right groups kay Pangulong Aquino na didinggin nito ang mga panawagan para sa inaapelang clemency dahil hindi naman umano maituturing na hardened criminals na nagdurusa sa piitan. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply