Palit-OWWA chief itinanggi ni PNoy

MAKARAANG kinumpirma ng Palasyo ang pagpapalit sa puwesto ng Commissioner ng Bureau of Customs, umugong naman ang balita na papalitan ni Pangulong Benigno Aquino III sa puwesto si Overseas Worker and Welfare Administrator (OWWA) Chief Carmelita Dimzon.

Kaugnay ng umugong na balita, agad naman itinanggi ng Palasyo ang ulat na papalitan din si OWWA Administration Carmelita Dimzon.

Sinabi ng Pangulo na wala siyang nakikitang dahilan para palitan ang pamunuan ng OWWA at sa ngayon ay tanging ang pamunuan ng Bureau of Customs lamang ang kanyang papalitan.

Binigyang diin ng Pangulo na hangga’t walang opisyal na pahayag ang Malakanyang kaugnay sa mga sinasabing bakanteng pwesto sa gobyerno ay maituturing lamang ang mga ito na espekulasyon.

Sinabi naman ni Dimzon na wala sa kanya ang kapangyarihan kung gugustuhin ng Pangulong alisin siya sa puwesto.

Kasabay nito, iniulat naman ni Dimzon na nakatakda nang dumating sa bansa ang 35 OFWs na lumikas sa nagkakagulong bansa sa Tripoli, Libya,

Sinabi ni Dimzon na nakatakdang dumating ang mga inilikas na Pinoy sa Huwebes.

Pinaghahandaan na umano ng OWWA ang pagdating ng mga Pinoy mula sa Cairo, Egypt patungong exit point ng Tripoli.

Sa kasalukuyan, inaasikaso na ng OWWA ang pagpoproseso ng dokumento ng OFWs para sa kanilang flight pabalik ng Pilipinas.

Inihahanda na rin ng OWWA ang P10,000 bilang assistance para sa bawat isang OFW na darating sa Huwebes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply