Paliwanag sa oil price hike sisilipin ng DOE

PINAGPAPALIWANAG ng Department of Energy (DOE) ang mga kumpanya ng langis kung bakit dapat itong magpatupad ng  panibagong oil price hike.

Ayon kay Energy Undersecretary Jay Layug, katumbas lamang ng 18 sentimo kada litro ang pagtaas sa unleaded gasoline sa presyo nito sa world market, habang .03 sentimo lamang kada litro ang diesel.

Una rito ay idinahilan ng mga kumpanya ng langis na ang pagtaas ng presyo ng ethanol at biodiesel kaya’t nagtaas sila ng presyo ng mga produkto nila.

Dahil dito, bubusisiin ng todo ng DOE kung tunay ang paliwanag ng mga kumpanya.

Sinabi ni Layug na may ginagawa na silang kwenta sa presyo ng bioethanol at biodiesel at posibleng malaman na nila ang resulta nito sa susunod na linggo.

Matatandaang wala pang 20 sentimo ang itinaas sa presyo ng imported na gasolina pero umabot sa 50 sentimo ang idinagdag sa presyo ng regular na gasolina.

Ayon kay Layug, may itinakda na silang pulong sa mga kumpanya ng langis at biofuel producers para ma-update ang kompyutasyon sa presyuhan ng langis at biofuel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply