Pamamalo sa mga bata ipagbabawal na

MAIPAGBABAWAL na rin ang pamamalo o corporal punishments sa mga bata.

Ito ay matapos aprubahan ng Kamara sa ikatlo at ika-apat na pagbasa ang panukalang batas na magbabawal sa mga magulang, guardians, teachers at nakakatanda sa pagsasailalim sa anumang uri ng corporal punishment o physical at psychological threats.

Tiwala si Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy, principal awtor ng panukala, na sa pagkaka-apruba ng Kamara ay bibilisan na rin ng Senado ang pagpasa ng bersyon nito ng House Bill 4455 o Positive and Non-Violent Discipline of Children Act.

Nakapaloob sa panukala na ang corporal punishment ay yaong cruel at parusa sa mga bata na makasasakit at makapamamahiya sa kanila.

Kabilang na rito ang physical na parusa na ibinibigay ng mga nakakatanda para disiplinahin, i-train o kontrolin ang bata.

Ang mga magulang ay sasailalim sa counselling sa karapatan ng bata, pagtuturo sa pamamaraan na positibo at hindi bayolenteng pagdisiplina sa bata at anger management.

Subalit, kapag napatunayan sobra o malupit ang parusa ng magulang sa mga bata ay maaari itong makasuhan sa ilalim ng probisyon ng Republic Act No. 7610 o Child Abuse.

Kabilang sa mga ipagbabawal na parusa sa bata ay pananakit tulad ng pagsipa, pananampal, pambubugbog at pamamalo sa alinmang bahagi ng katawan ng bata.

Bawal na rin ang pangungurot, pamimingot, paggupit ng buhok, pamamalo ng kamay o sinturon.

Kinukunsidera rin ni Herrera-Dy ang pagpapaluhod ng mga bata sa bato o asin.

Hindi rin aniya dapat pahiyain o pabayaan ng nakakatanda ang mga bata bilang parusa sa kanila.

Ayon kay Herrera-Dy, base sa pag-aaral ng iba’t ibang international at local agencies na ang “corporal punishment is ineffective in disciplining children.” Instead, these  unacceptable methods of imposing discipline on the youth had only developed in children “anger, resentment and low self-esteem.”

Marami aniyang bata ang dumaranas ng permanenteng physical injuries at psychological problem paglaki.

Isinusulong ng mambabatas ang pagkakaroon ng positibo at hindi bayolenteng pamamaraan ng pagdisiplina.

Kailangan namang gawing confidential ang lahat ng rekord kaugnay sa kaso ng corporal punishment. Ang pagpapalabas o pagsasapubliko at pagtukoy sa biktima at pamilya nito ay pagmumultahin ng P200,000.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply