Pamangkin ng reporter itinumba sa Ermita

PATAY sa saksak ang 30-anyos na pamangkin ng isang reporter sa gilid ng gusali ng National Museum sa Ermita, Manila kagabi.

Kinilala ang biktima na si Frederick Suay Balcoba, ng Flores St., Ermita at umano’y pamangkin ni Alex Balcoba, isang tabloid reporter.

Hinihinalang pulis ang bumaril at sumaksak sa biktima, kaya patuloy ang imbestigasyon ng Manila Police District –Homicide Section, dahil sa bago napatay ang biktima ay nakulong ito ng tatlong araw sa Tourist Police sa panulukan ng T.M Kalaw at Maria Orosa St., sa Ermita.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Bernardo Cayabyab, kay P/Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng MPD-Homicide Section, 10:00 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa nasabing lugar.

Isang Jojo Cuevas, scavenger ang nakakita sa bangkay ng biktima habang naghahanap ng mapagkakakitaan.

Nang makitang wala nang buhay ang biktima ay agad niya itong ipinagbigay alam sa pulisya.

Depensa naman ng mga tauhan ng Tourist Police na walang naitalang pangalan ang biktima nang kanilang mahuli dahil gumamit ito ng alyas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply