Pamilya ng pinatay na OFW sa Canada naghahanap ng katarungan

HUMIHINGI ng katarungan ang pamilya ng isang overseas Filipino worker (OFW) para sa kanilang kaanak na pinaslang sa bansang Canada.

Dumadaing ngayon ang kanyang mga kaanak na nasa Embahada at inaayos ang mga papeles upang makapunta ng Ontario at masilayan ang labi ng namatay na kaanak.

Sa ngayon ay wala pang lumalabas na final autopsy sa pagkakapatay ng OFW. Ang bangkay ni Raquel Junio, alyas Jinky, residente ng Barangay Wawa ay natagpuan na nakasilid sa plastic sa isang sapa sa Ontario, Canada.

Bago iyon ay nakita umano ang biktimang si Jinky na umuwi sa bahay ng kanyang asawang Canadian national na si McDomed Macara at naghahakot ng mga gamit dahil nakikipaghiwalay na ito bunsod ng mga sunud-sunod nilang away.

Sinasabing may ilang katao na nakakitang sapilitang isinakay ang biktima sa kotse at mula noon ay hindi na nakita, hanggang sa natagpuan na lamang ito nang Sabado ng gabi.

Samantala, hawak na raw ng mga awtoridad sa Ontario ang dalawang suspek sa pagdukot at pagpatay sa biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply