Pananalapi, terorismo, kalayaan, trafficking

THE best ang ginawang pagbuwag ni Pangulong Noynoy Aquino sa Presidential Task Force on Mindanao River Basin Rehabilitation and Development na nasa Cotabato City dahil ginawa ng ibang ahensiya ng gobyerno ang trabaho nito.

Sa nilagdaan ng Pangulo na Executive Order No. 50 noong July 28, 2011, inilipat ang obligasyon at trabaho ng nasabing task force sa (MinDA) Mindanao Development Authority  at iba pa.

Tama lang ang desisyon ni PNoy na buwagin na ang  PTFMR-BRD dahil ginagaya lamang nito ang trabaho ng iba pang ahensya.

Terorismo – Dapat ibigay ng residente ng Mindanao ang buong suporta sa Aquino government laban sa Abu Sayaff Group matapos masawi ang pitong sundalo sa Sulu nitong nakalipas na Huwe-bes. Bagama’t mangangailangan ng panahon,  magiging  positibo ang resulta ng kampanya laban sa terorismo kung mayroong kooperasyon ang mga tao sa programa ng pamahalaan para agarang maiharap sa hustisya ang mga terorista.

Bilang mga taong nagmamahal sa kapayapaan at mayroong takot sa Diyos dapat nating kondenahin ang kawalanghiyaan ng mga bandido.

Trafficking – Kabilib-bilib ang paninindigan ni Pang. Noynoy na tapusin ang problema sa human trafficking sa bansa. Sang-ayon ako sa posisyon ni PNoy.

Sana hindi biktimahin ng mga human trafficker ang mga taong naghahangad lang ng kinabukasan sa ibang bansa. Maganda ang senyales ng pagkilala ng Pangulo sa mga grupo at indibidwal na lumalaban kontra sa trafficking  kung saan iprinisinta nito.

Kalayaan – Dapat lamang tayong matuwa at magpasalamat sa buong suporta ng Malacañang sa panukalang Freedom  of Information (FOI) na titiyak sa “transparency”sa pamahalaan na pangunahing kampanya ni Pangulong Noynoy.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply