Pang-pitong paslit natepok sa dengue sa QC

ISA na namang paslit ang namatay sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) sa Quezon City dahil sa dengue.

Ayon kay Dr. Sharon Delfin, chief resident ng Pedia Ward ng QMMC, si Jaymart Lavides, 3-anyos, ng Rodriguez, Rizal ang pinakahuling namatay sa ospital sa buwan ng Agosto.

Nabatid na isinugod muna sa klinika ang bata bago dinala sa ospital na ilang araw nang nakitaan ng sintomas ng sakit.

Samantala, sinabi naman ni Dr. Bella Vitangcol, Chair ng Pediatric Department ng ospital, nasa 243 pasyente na ang nasa pedia ward, 92 dito ay pawang dengue patient at pito ang nasa pedia intensive care unit.

Kung pagbabasehan umano ang numero ng mga isinusugod sa QMMC, bumaba na ang bilang ng mga batang nagkaka-dengue at mas mababa na rin ang kaso sa bilang na 92 kumpara noong kamakalawa na 99 at 105 noong Lunes.

Gayunpaman, sa tala ng Department of Health (DOH), Quezon City pa rin ang may pinakamataas na naitalang kaso ng dengue sa buong Metro Manila mula Enero hanggang Agosto 11 na umaabot  na sa 3,948.

Sumunod dito ang Caloocan na may 1,375; Maynila, 1,116;  Valenzuela, 786; Pasig, 716;  Malabon, 541; Parañaque, 531; Taguig, 480; Navotas, 373; at Las Piñas, 330.

Sa kabuuan, umaabot na sa 11,260 ang bilang ng mga kaso ng dengue sa National Capital Region (NCR) habang 77 dito ang naiulat na namatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply