Pangit na hosts sa mga showbiz-oriented program nauuso! Yuck!

NAKAPANOOD kami ng “Action Journalismo” newscast sa TV5 nung Lunes ng gabi, at nagulat kami na may mukhang young star na field reporter du’n na mas guwapo pa sa karamihan sa mga young star na lumalabas sa teen shows ng nasabing network at may presence na mas markado pa kaysa sa appeal nina Enchong Dee at Rocio Nacino na ang performance sa indie film na “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa” ay parang walang nakapansin.

Ang pinapatungkulan naming field reporter ay si Jun Loyola. Sa ilang minuto lang na pag-uulat n’ya, tumatak na siya sa amin. Mukha rin naman siyang matangkad. May self-confidence siya, at hindi bubulul-bulol sa pag-uulat n’ya. Baka nga mas mahusay pa siyang magsalita kesa sa taga-Ateneo de Manila University na si Robi Domingo, o sa Myx video jock na si Chino.

Pero okey na rin naman na hindi lahat ng guwapo at magagandang kabataan ay gustong maging showbiz idol. Mas mabuti na yong may mas gustong maging broadcast journalist, nang sa gayun ay may kaibig-ibig tayong tagapagbalita ng mga kalunus-lunos na mga kaganapan sa bansa.

Ang ilan nga pala sa magagandang kabataang babae na piniling maging broadcast journalist ay yung nasa Dokumentado ng TV5. Ang nasabing program ay naghahandog ng lighter treatment ng mga balita at naka-concentrate sa news personalities. May lone male host ito, ang mukhang drama actor na sa Martin Andanar, na nagsisilbing mentor ng mga kabataang babaing journalist.

***

Samantala, bakit kaya parang biglang nauso ang mga pangit na hosts o co-hosts sa mga showbiz news magazine shows? Dahil kaya tungkol sa magaganda at guwapong mga artista naman ang ibinabalita nila? For contrast ba ang dahilan kaya kinuhang hosts o co-hosts ang mga “pangitaing” personalidad? Juxtaposition of beauty and the beast, kumbaga?

Mas mai-enjoy siguro ng madla ang panonood ng mga showbiz news magazine show kung papalitan na ang mga host at co-host na mukhang mga kababalaghan at maligno.

***

SAKALING di tuluyang makulong si Rowena del Rosario na bookkeeper ni Congressman Iggy Arroyo, sana ay may network o movie company na kunin siyang artista at gawing kontrabida na napaka-evil at mukhang astig na astig. Pwede siyang i-build up na kapalit ni Miss Tapia na nanay ni Gina Marissa Tagasa. Si Gina ang head ng indie film outfit ng ABS-CBN, kaya bigla naming naisip na irekomenda sa kanya si Rowena del Rosario para gawing kontrabida sa future indie film projects n’ya. Ang nasabing indie film outfit po ang nagprodyus ng “The Adventures of Pureza” na nagtampok kina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Oo nga pala, sakaling di n’yo pa alam, ipinakulong sa isang selda sa Senado si Aling Rowena dahil nabwisit ang mga senador sa mga sagot n’ya na ang dating sa kanila ay pawang kasinungalingan.

Naka-corporate outfit pa si Aling Rowena nung um-appear sa Senate hearing bilang representative ni Congressman Arroyo na nagpapagamot sa ospital dahil sa sakit sa atay. Kamag-anak kaya siya nina Boss Vic del Rosario ng Viva?

Oo nga pala, kawawa naman ang mga Arroyo. Bigla silang naging sakitin. Buti na lang, super wealthy sila kaya hindi nila problema ang pambayad (o panuhol ba?) sa mga doktor at ospital. At mukhang kahit na umabot sa milyun-milyon ang magastos nila sa mga doktor at ospital, di malaking kabawasan yon sa kayamanan nila.

May showbiz idols kayang mama-match ang kayamanan ng mga Arroyo? Kaya ba ni Willie Revillame na nagmamay-ari na rin ng mga yate at isang eruplano? May helicopters din kaya si Willie?

Sino kaya kina Kris Aquino, Boy Abunda, Sharon Cuneta, Aga Muhlach at Angel Locsin ang kasing yaman ng mga Arroyo?

***

DAHIL kaya sa maganda-ganda namang  performance ni Paulo Avelino sa indie film na “Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa” kaya kinuha siya ng ABS-CBN?

Paulo ba talaga ang first name n’ya o ginamit lang n’ya yon nung sumali siya sa isang star search contest ng GMA-7 dahil ang feeling n’ya ay kahawig siya ni Paulo Bediones (na dating taga-GMA-7 pero sa TV5  na namamayagpag ngayon)?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply