Panibagong rollback sa Pinoy Tasty nakaamba

BUKOD sa pagiging stable ng mga pangunahing bilihin, plano pa ngayon ng mga local bakers na muling mag-rollback sa presyo ng Pinoy Tasty.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Usec. Zenaida Maglaya, singkwenta sentimos ang maaring ibaba sa presyo ng Pinoy Tasty kapag nanatiling matatag ang presyo ng asukal at trigo sa pandaigdigang pamilihan.

Matatandaang mula sa P39 ay nag-rollback na ang Pinoy Tasty hanggang P38.50 noong Hulyo.

Samantala, inihayag din ni Maglaya, hindi ipinatupad ng mga local bakers ang nauna ng inanunsyong dagdag singil sa mga branded loaf bread dahil  pagbaba ang bentahan ng asukal.

Kamakakailan lamang ay ipinagmalaki ng DTI na ‘di magmamahal ang presyo ng mga pangnahing bilihin sa kabila ng pagtaas ng presyo ng sardinas.

Bukod sa mga pangunahing bilihin, isang brand lamang ng sabon ang nagbigay ng abiso na magtatas ng presyo ng kanilang produkto.

Umaasa si Maglaya na mananatiling stable ang presyo ng prime commodities hanggang sa pagpasok ng Disyembre. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply