Paperless transaction sa gobyerno itinulak sa Kamara

ISINUSULONG ni Aurora Rep. Juan Edgardo Angara ang implimentasyon ng tinatawag na paperless transaction sa nasyonal at lokal na pamahalaan sa bansa.

Naniniwala ang kongresista na mas makatitipid ang gobyerno sa mga papel sa ganitong sistema lalo na’t mabilis ding umuunlad ngayon ang teknolohiya ng komunikasyon.

“This is being implemented, although in limited ways, in both private and public sectors.  This must be institutionalized with the corresponding reliable safeguards. Technology is fast making paper irrelevant,” ani Angara.

Ipinunto ni Angara na maaaring magamit ng gobyerno na pandagdag sa pondo ng mga programa sa edukasyon, kalusugan at kalikasan ang matitipid na halaga sa paperless transaction policy.

“Paper is made from trees.  So, paperless government transactions can create, in the long term, billions of pesos in savings and help fight climate change by saving our trees,” dagdag pa ng kongresista.

Kasabay nito, iginiit ni Angara ang pangangailangan sa gobyerno at pribadong sektor na palakasin ang kampanya sa recycling at pag-iwas sa paggamit ng plastik o iba pang nakalalasong materyales.

Nais din ng mambabatas na lumikha ng hiwalay na tanggapan sa ilalim ng Office of the President upang tutukan at makipag-ugnayan para sa mga hakbang ng dahan-dahang pagpapatupad ng paperless policy sa mga transaksyon ng gobyerno.

Samantala, inaasahan na rin ni Angara ang mahigpit na pagpalag ng industriya ng papel sa naturang hakbang subalit mas mahalagang maproteksyunan ang kalikasan.

“This is why it must be implemented gradually to allow adjustments in priorities before climate change completely eliminates humanity,” ani Angara. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply