Para makabaril, pera-pera ang labanan sa FED Crame

ISA na namang reaction ang natanggap natin mula sa isang concerned citizen kaugnay sa “Kaliwat-kanang Korapsyon sa FED sa Camp Crame” na hindi lang  P200 ang hinihingi kundi P500 pa.

Ang lahat daw ng kalakaran sa Firearms and Explosive Office ay pera-pera  lang ang labanan.

Kahit non-appearance ay pupuwede, basta may pera ka ay madali kang magkakabaril at magkakalisensya.

Minsan ay pinepeke lang  ng kung sino-sino ang mga pirma ng buyer at ng hepe ng FEO na si Supt. Ronald Estilles .

Kahit busisiin pa ng mga kinauukulan ang record ng year 2005 up to 2011 lahat ng iyan ay hokus-pokus.

Basahin natin ang nilalaman ng mga ‘tip’ sa atin ng  ating reader.

Dear Sir Johnny,

Kaugnay ng article ninyo noong nakaraan tungkol sa pag-iissue ng permit sa license sa Firearms Explosive Division (FED), hindi lang P200 ang hinihingi sa pagpirma ng papers doon.
Minsan ay nasa P500 pa.
Lahat ng kalakaran doon ay pera-pera ang labanan, kahit no-appearance ay puwede kang makabili ng baril.
Kahit taga-saan ka pa,  lalo na kung taga-Mindanao ka. Pinepeke  lang ang pirma ng buyer at chief ng FED.
Kahit busisiin pa ang record ng application form ng year 2005 up to 2011, lahat yun ay hokus-pokus ng mag-bayaw na SPO4 Awis at Muldison Ammad. Napepeke ni-lang dalawa ang pirma ni Supt. Estilles kaya maraming baril ang nakalalabas ng Crame ng ligal. Pero iligal ito dahil lahat ng transaksyon ay peke ang pirma.
Kaya nga, sa isang iglap, si SPO4 Awis ay nakapagpatayo na ng bahay sa UPA Center Ville, Sto. Cristo SJDM, Bulacan.
Bukod dito, nakapagpatapos pa siya ng dalawang anak sa college, sa Fatima Lagro. Dalawang nurse, magkasabay pa.
Ang isa naman ay isang  college sa NCBA at may AUV  na Adventure na itim ang kulay.
Sir Johnny, ang lifestyle nila pang  milyonaryo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply