Parak na pumatay sa Fil-Norway ipinatutugis

HINDI pa rin sumusuko sa awtoridad ang isang pulis na pumatay kay Fil-Norwegian Mikael Troy Rasay dahilan para ipatugis na ito ni Manila Mayor Alfredo Lim.

Nabatid na simula nang maganap ang insidente sa tapat ng isang bar sa Timog Avenue, Quezon CIty.     ay hindi na nag-report ang suspek na si P01 Harold Meneses, tauhan ng Manila Police Department (MPD) station 1 sa kanyang duty.

“Lumabas na siya, para malaman natin kung ano talaga ang nangyari,” pahayag ng Chief of Staff ni Lim na si Ric de Guzman.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong frustrated murder laban kay Meneses.

Bukod dito, mahaharap din ito sa kasong administratibo at maaari pang masibak sa serbisyo kung mapatutunayang nagkasala sa nasabing krimen.

Si Meneses ay idinawit sa pagbaril kay Rasay matapos inguso ng apat na testigo.

Nagtutugma rin kay Meneses ang facial composite sketch na ipinalabas ng Quezon City Police District (QCPD).

Narekober din ng awtoridad ang deposit slip ng  9mm service pistol ni Meneses na indikasyon na isinuko agad nito ang kanyang baril matapos ang insidente.

Hinikayat naman ng awtoridad ang suspek na kung hindi pa siya handang sumuko ay maaari siyang sumuko sa tanggapan ni Lim.

Si Rasay, 18-anyos, ay bumisita lamang sa kanyang mga kamag-anak sa bansa, napatay matapos barilin ng tatlong ulit sa tapat ng isang bar sa Timog Avenue matapos ang kanyang send-off party.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply