Parak, sibilyan sugatan sa ambush sa Makati

ISANG pulis at sibilyan ang sugatan makaraang matamaan ng bala ng baril sa isang ambush incident sa Pembo Makati City, madaling-araw ng Miyerkules, Agosto 24.

Batay sa report ng dzBB, kasalukuyang pinaghahanap ngayon ang tatlong armadong lalaki na suspek sa naturang ambush incident malapit mismo sa bahay ng sugatang pulis na si PO2 Mark Telly Delasa, 30, na nagtamo ng sugat sa paa at kamay.

Nasugatan din ang kanyang kasama na si Joan Villorente na nagtamo ng sugat sa dibdib at pisngi.

Kaagad namang tumakas ang mga suspek makaraang rumesbak ng putok ang naturang pulis.

Nabatid pa na pauwi na galing sa party ang dalawang biktima bandang 3 a.m., nang mamataan ni Villorente ang isa sa tatlong suspek malapit sa bahay ni Delasa .

Tinanong pa ni Villorente kung bakit naroroon ang mga suspek at tumugon naman ang suspek na hinihintay lamang niya ang kanyang kasama nang biglang magpakita ang dalawa pa nitong kasama na armado ng baril at agad nagpaputok.

Agad namang isinugod sa Ospital ng Makati ang mga biktima upang malapatan ng lunas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply