Paris Hilton dumating na sa bansa

NASA bansa na ang Hollywood star at hotel heiress na si Paris Hilton Lunes ng hatinggabi.

Si Hilton ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lulan ng Emirate Airways flight EK 334.

Dinagsa si Paris ng kanyang mga fans ngunit ang excitement ng socialite ay napalitan ng pagkabalisa nang mabatid na nawawala ang dalawa niyang iPhone.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung saan nawala ang cell-phone ng aktres.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang naturang insidente.

Samantala, si Paris ay limang araw na mamamalagi sa bansa para sa negosyo at bilang bakasyon.

Nabaitd na magbubukas si Paris ng luxury store sa SM Megamall at tutulong ding magdisenyo sa isang real estate property sa Parañaque.

Magkikita rin sina Paris at ang Pambansang Kamao Manny Pacquiao habang hindi naman tiyak kung matutuloy ang courtesy call nito kay Pangulong Benigno Aquino III.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply