Pasahero dismayado sa muling pagkasira ng MRT

DAAN-DAANG pasahero ang na-stranded nang muling bumara ang isang tren ng Metro Rail Transit sa daanan ng riles kanina (Miyerkules, Agosto 31).

Dahil dito, nadismaya ang mga pasahero na walang nagawa kung hindi ang maglakad sa harap ng matinding buhos ng ulan.

Ang nasabing tren ay nahinto ng may 30 minuto sa GMA Kamuning Station.

Ayon sa MRT Information Department, huminto ang tren dahil na rin sa isang sirang tren sa Ortigas Station na humarang sa riles.

Gayunman, balik na sa normal ang biyahe. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply