PASI ‘di nagtaas ng presyo ng sardinas

NATUWA ng mga consumers dahil hindi pa nagtataas ng presyo ng sardinas ang mga myembro ng Philippine Association of Supermarket Incorporated (PASI).

Sinabi ni PASI secretary, Atty. Federico Ples, na nakatanggap na sila ng bagong price list at magsisimula ang pagtataas ng presyo ng sardinas sa Setyembre 1 subalit kanila muna aantayin ang sagot ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ipinaliwanag ni Ples na malaki ang epekto ng pag-urong ng fishing ban sa tamban sa Zamboanga sa presyo ng sardinas dahil sa ngayon ay hirap na ang mga mangingisdang hulihin ito.

Maasahan naman ang pagbaba ng presyo ng tinapay.

Sinabi ni Ples na bumaba na ang presyo ng harina kaya’t dapat lamang na sumunod na rin sa pagbaba ng presyo ang mga produktong ginagamitan ng harina kabilang na ang tinapay.

Ayon pa kay Ples, una nang nagbaba ng dalawang piso kada loaf ang Pinoy Tasty na ngayon ay bumalik na sa 37 pesos.

Bukod dito, malaki ang magiging epekto ng pagtaas ng halaga ng piso kontra dolyar sa pamimili ng mga pamilya ng OFWS sa supermarkets.

Ayon kay Ples, bukod sa pili na lamang ang binibili ng mga ito ay may ilan pang sa maliliit na tindahan na lamang namimili.

Ipinaliwanag ni Ples na malaki ang nabawas sa mga nire-remit ng OFW para sa pamilya. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply