Paslit tsinap-chop ng amain

KALUNUS-LUNOS ang nangyari sa isang 8-anyos na batang babae matapos pagputul-putulin ang katawan nito ng kanyang step-father sa Guiuan, Eastern Samar.

Nabatid na nag-away ang suspek na si Ronald Macahig at ang nanay ng biktima dahil sa pagtanggi ng ginang na makisamang muli kay Ronald kung kaya pinagdiskitahan nito ang bata na itinago sa pangalang Mary Ann.

Huling nakita ang paslit sa pinapasukang paaralan noong nakaraang Biyernes kung saan matagal itong nawala at natagpuan lamang saan bangkay na.

Nadakip naman kaagad ang suspek na mahaharap sa kasong murder.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply