Paslit na nahulog sa dagat, natagpuan na

NAKITA na kaninang umaga (Biyernes, Agosto 26) ng mga awtoridad ang katawan ng 2-anyos na batang babae na apat na araw ng nawawala nang mahulog sa dagat noong Martes sa Navotas City.

Halos hindi na makilala ng kanyang mga magulang ang biktima na si April Espiritu, ng Barangay Navotas West, ng nasabing lungsod, dahil nababad ng matagal sa tubig-dagat ang katawan nito,

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-9:00 kahapon ng umaga nang matagpuan ang biktima habang lulutang-lutang sa karagatan ng break water ng Pier 2, Navotas Fish Port ng lungsod.

Ayon sa ulat, isang mangingisda na hindi nakuha ang pangalan ang nakakita sa bangkay ng biktima sa naturang lugar na sa una ay inakala nito na isang patay na hayop lamang.

Nang lapitan ay laking gulat ng saksi na isang bangkay ng batang babae ang kanyang nakita.

Agad na ipinagbigay-alam ng saksi sa awtoridad ang nakita.

Nakilala naman ng mga magulang ang bangkay dahil sa suot na hikaw nito.

Si April kasama ang pinsan nitong dalawang taong gulang ay nautusang bumili sa tindihan noong Martes na nauwi sa pagkahulog ni April sa dagat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply