Paslit nabigti sa duyan ng iniheheleng utol

PATAY na nang datnan ang sampung taong gulang na babae habang nakapulupot pa sa leeg nito ang lubid ng duyan ng inaalagaang bunsong kapatid sa Cebu City sa ulat ng pulisya nitong Miyerkules.

Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, hinihinalang aksidenteng pumulupot sa leeg ng biktima na si Ronela Sabroso ang lubid dahilang upang masakal at  hindi na makahinga.

Samantala, nakita naman ng mga sumaklolong kapitbahay ang bunsong kapatid nito na nasa sahig na ng kanilang bahay sa Sitio Buot, Barangay.Taop, Cebu City  at nagpapalahaw ng iyak.

Sa pagsisiyasat ni  SPO4 Alex Dacua, ng homicide section ng Cebu City Police Office, may hawak ng kaso  binabantayan ng  biktima ang kanyang isang taong gulang na nakababatang kapatid na nakaduyan nang mangyari ang insidente.

Nabatid pa na mga kapitbahay lamang ang nakakita sa bangkay ng paslit na nakabigti na at wala nang buhay habang nakapulupot ang lubid ng duyan sa leeg nito.

Tulala naman ang  mga magulang ng biktima dahil sa hindi inaasahang mangyayari sa kanila ng anak na nagbabantay lamang sa nakakabatang kapatid.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply