Paslit nahulog mula 7th floor ng condo, patay

HIMALANG hindi man lamang nalasog ang katawan ng 3-anyos na babae, pero hindi umabot nang buhay sa pagamutan, matapos mahulog sa ika-7 palapag ng isang condominium sa Sta. Ana, Manila kaninang umaga.

Kinilala ang biktimang si Jossaine Angel Gomez, 3-anyos ng Room 703 sa Manila River City na matatagpuan sa panulukan ng delas Alas St., at Carreon Sts., sa Sta. Ana.

Gayunman, isinailalim sa masusing interogasyon ng MPD-Homicide Section, si Rachelle Condicion, 23, yaya ng bata, tubong Balayan Batangas City at stay in sa nasabing condo.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Jett Tajonera kay P/Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng MPD-Homicide Section, dakong 10 ng umaga, lumabas ng silid si Condicion para kunin ang isinampay na damit, at nang magbalik sa binabantayang paslit ay nakita na lamang niya na bukas na ang bintana, kaya dali dali siyang bumaba gamit ang elevator pero nakita ang kanyang alaga na isinugod na sa Sta Ana Hospital.

Napag-alaman na umakyat sa silya ang paslit saka itinulak ang bintana, bago nawalan ng panimbang at nagtuloy-tuloy na bumulusok sa ibaba na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply