Paslit nanutok ng baril sa classroom

ISANG 13-taong-gulang na Grade 5 pupil ng isang pampublikong paaralan sa Alegria, Cebu City, ang nanutok ng baril sa kanyang guro at mga kaklase.

Nabatid na binantaan pa umano ni Edwin (hindi totoong pangalan) ang mga estudyante na papatayin ang sinumang magsusumbong sa prinsipal tungkol sa kanyang ginawa.

Kinalabit pa umano ni Edwin ang gatilyo ng baril, ngunit hindi ito pumutok.

Dahil dito, nakipag-ugnayan si Barangay Chairman Justin Lebron sa hepe ng pulisya ng Alegria na si Senior Insp. Daniel Comision, na agad nag-utos sa kanyang mga tauhan na respondehan ang insidente.

Nakuha ang baril sa bata at inamin nito ang kanyang ginawa.

Napag-alaman din ng mga pulis na madalas pumasok sa klase si Edwin nang lasing.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply