Paslit natusta sa sunog sa CDO:2 patawirin

NASAWI ang isang 2-anyos na babae habang sugatan ang dalawang kapatid nito makaraang hindi makalabas sa loob mismo ng kanilang tindahan nang masunog ito sa Purok 1, Brgy. Dansolihon, Cagayan De oro, kagabi, Agosto 30.

Kinilala ang nasawi na si Jane Ken Rana at nasugatan naman si Jessiel habang nasa kritikal na kondisyon si James Lee Rana na isinugod sa Northern Mindanao Medical Center.

Nabatid na natumba ang sinindihang lampara sa loob ng tindahan na tinulugan ng mga bata na nagresulta sa pagsiklab ng apoy.

Batay naman sa isang panayam sa radyo sa ina ng mga bata na si Maricel Rana, kanya munang iniwanan ang mga anak sapagkat pumunta siya kasama ang asawa sa ibang barangay upang bumili ng gamot ngunit nang sila ay bumalik, sinalubong na sila ng masamang balita.

Nilinaw ni Rana na gumagamit sila ng lampara dahil nawala ang supply ng kuryente sa kanilang barangay ilang araw na ang nakakalipas.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply