Paslit nilapa ng pitbull sa Australia, todas

NILAPA hangggang sa mamatay ang isang batang babae habang sugatan naman ang dalawang pinsan nang atakehin ng isang mabagis na pitbull ng kanilang kapitbahay sa Australia, Miyekules ng gabi ayon sa ulat ng Melbourne police.

Dead on the spot sanhi ng tinamong kagat sa leeg at sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Ayen Chol, 4, Sudamase national na ngayon at permanent resident ng Melbourne Australia.

Kapwa naman isinugod sa ospital sanhi ng kagat sa kamay at braso ang dalawang pinsan ni Chol na ayaw ipabunyag ang pagkakakilanlan.

Iimbitahan naman ang may-ari ng naturang aso para pagpapaliwanagin sa insidente habang nakakasa namang ilikida ang kanilang aso bilang kabayaran nito sa pagpatay sa biktima.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong 8:25 kahapon ng gabi sa mismong sala ng bahay ng biktima.

Bago ito, nabatid na naglalaro ang biktima kasama ang kanyang dalawang pinsan na ang edad ay kapwa 5-anyos nang biglang pumasok sa kanilang sala ang pitbull terier ng kanilang kapitbahay  na may bigat na 25 kilos.

Sa hindi pa malamang dahilan, bigla na lamang inatake ng naturang hayup ang biktimang si Chol, tinangkang labanan ng dalawanga pinsan ni Chol ang mabangis na hayup pero maging sila ay pinagkakagat din sa braso at mukha.

Sinabi naman ni Police Supt. Grahan Kent ng Melbourne police na iimbestigahan nila kung bakit inatake na lamang bigla ng naturang hayup ang mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply