Patakaran sa FOI Bill pinalilinaw

NANINDIGAN ang pamahalaan na kailangan munang maging malinaw ang patakaran at proseso sa Freedom Of Information Bill bago ito tuluyang maipasa.

Sa interview kay Presidential Undersecretary Manolo Quezon III, kinakailangan munang malaman ng burukrasya kung papaano ito ipapatupad at kung ano ang mga probisyon na nakapaloob rito para na rin sa seguridad ng estado.

Idinagdag rin nito na mayroon ng sariling working group ang Kamara at kinakailangan na lang kausapin ang senado para sabay ng gumulong ang proseso sa probisyong ito.

Kailangan ring makasiguro na sumasang-ayon ito sa umiiral na batas gayundin na dapat ang lahat ng tagapagtaguyod mula sa panig ng media, burukrasya, mga sangay ng pamahalaan ay nagkakasundo ukol dito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply