Patay sa dengue sa MM 77 na

TINATAYANG 77 na ang namamatay dahil sa sakit na dengue sa Metro Manila simula noong Enero hanggang Agosto.

Ayon kay Department of Health (DOH) Metro Manila Director Dr. Eduardo Janario, mahigit 11, 000 na ang tinatamaan ng nakamamatay na sakit, higit pa sa doble ng mga nadale sa katulad na panahon noong nakaraang taon.

Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng may pinakamaraming kaso ng dengue ang Quezon City, Caloocan, Maynila, Valenzuela, Pasig, Malabon, Parañaque, Taguig, Navotas at Las Piñas.

Dahil dito, nagsasagawa ng clean-up drive ang DOH sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila para maiwasan ang pagdami ng mga lamok na may dala ng dengue.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply