Patay sa Tacurong blast, 2 na

DALAWA na ang naiulat na namamatay habang anim ang sugatan makaraang pasabugin ang isang sasakyan sa Tacurong, Sultan Kudarat.

Kinumpirma ni Erwin Tiwan, nurse on duty sa Tamundong Hospital, na binawian ng buhay na unang napaulat na kritikal si ARMM board member Datu Rusman Sinsuat Sr., bunsod ng matinding sugat sa katawan.

Nabatid na pinutulan naman ng paa ang anak nito na si Datu Rusman Sinsuat Jr. dahil sa matinding sugat habang patuloy na nagpapagaling ang anim na sugatan sa nangyaring pagpapasabog sa convoy ni Maguindanao Gov. Ismael “Toto” Mangudadatu.

Samantala, kinondena ng Malacañang ang pagpapasabog sa Tacurong, Sultan Kudarat na hinihinalang target dito si Maguindano Gov. Esmael Mangundadatu.

Dahil dito, iniutos ng Pangulong Noynoy Aquino sa mga awtoridad na tutukan ang lahat ng mga anggulo sa karahasan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply