Patayan ng 4 teams sa PBA Governor’s Cup

SA nalalabing dalawang play dates ng PBA Governor’s Cup ay bakbakang mahigpitan ang harapang Alaska Aces at ng Rain Or Shine Elasto Painters sa Miyerkules sa Smart Araneta colessium para sa karapatang makaharap ang first finalist na Talk N’ Text.

Magsasalpukan alas 7:45 ng gabi ang Elasto Painters at Alaska Aces na inaasahang magiging isang balikatang dahil sa ipaparadang kanilang mga imports. Sa unang game, isang disenteng exit ang hangad ipakita ng B-Meg Derby Ace Llamados na una ng napatalsik sa tangan nilang 5-7 win-loss slate laban sa Petron Blaze Boosters na tangan ang 6-5 win-loss record kapantay ng Rain Or Shine.

Ang Alaska Aces at ang Ginebra Gin Kings ay parehong may 7-5 record ay kailangang maipanalo ang kanilang huling laro para makaiwas sa komplikasyong sa team standings kapag nagkaroon ng pagkakataong makakapantay na idadaan sa quotient system para malaman kung sino ang nakalalamang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply