Patubigan ipinatatayo ng DAR sa Palawan

INAASAHAN na sa susunod na buwan ay gagana na ang P18-milyon halagang patubigan na ipinatatayo ng Department of Agrarian Reform na mag-iirigate sa 124ektaryang sakahan sa lalawigan ng Puerto Princesa, Palawan.

Sinabi ni Provincial Agrarian Reform Officer Conrado Guevarra, ang nasabing irrigation project ng Agrarian Reform Infrastructure Support Project (ARISP), ay proyekto ng DAR na sinuportahan ng dayuhan. Malaki anila ang maitutulong sa mga magsasakang nabenepisyuhan na nito sa Barangay Berong, na pawang umaasa lamang sa tubig-ulan para sa kanilang sakahan sa matagal ng panahon.

Ikatlong proyekto na anila ito ng ARISP, na tumutulong sa paglalagay ng mga patubigan, mga farm-to-market road at post-harvest facilities upang maibsan ang kahirapan at makatulong sa pagbabago ng pagpapaunlad ng ekonomiya sa agrarian reform communities (ARCs) sa buong bansa.

Dahil sa nailagay na patubigan inaasahang dodoble at baka makatriple pa ang magiging produksyon ng mga ani sa loob lamang ng isang taon.

Nakatanggap na umano ng halagang P127.5 milyon ang probinsiya na nanggaling sa unang bahagdan ng ARISP at P200 milyon sa ikalawang proyekto. Karaniwan, ang mga proyekto ay katulad ng rural infrastructure, institutional at agricultural support at credit facilities.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply