Payo ni Erap sinupalpal ng Malacañang

SINUPALPAL ng Malakanyang si dating Pangulong Joseph Estrada sa payo nitong bigyan na anim na buwang ultimatum ang Moro Islamic Liberatin Front (MILF) para lumagda sa peace pact o harapin ang all out war ng pamahalaan.

Ani Deputy Presidential spokesperson Atty. Abigail Valte, maayos na nagkaharap ang dalawang panig at malinaw sa pag-uusap na walang preconditions pagdating sa usaping pangkapayapaan.

“I think at this point it is very clear that both panels—our government panels dealing with the MILF and the CPP NPA-NDF—it is very clear to both panels that they come to the table with no preconditions and that we will have further comments once  both parties […at the negotiating table starting on August 22,” anito.

Sa kabilang dako, tikom naman ang bibig ng Malakanyang sa kung committed ang pamahaaan na idepensa ang territoria integrity at magsagawa ng transparent consultations sa publiko sa pagsusulong ng peace agreement sa MILF.

“Well, sinabi na po ng Pangulo ‘yan eh. We’re getting way too ahead of ourselves in terms of the details. Mag-uusap pa lang po sila, sa August 22 pa lang po mangyayari ‘yon, and ang sinabi naman po ng Pangulo ay kung ano pa man po ang mapag-usapan, magkakaroon po ng consultation doon sa stakeholders. It will not be done in the dark. It will be out in the open for everybody to see,” anito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply