PBA awards night, Game 4 ng finals sasambulat sa Big Dome

PARARANGALAN ang best of the best sa kasalukuyang season ng PBA na susundan ng Game 4 ng best-of-7 finals ng Governors Cup sa pagitan ng Talk & Text at ng Petron Blaze sa Smart Araneta Coliseum sa Linggo, Agosto 14.

Napunto ang Tropang Texters sa pagsungkit sa 2-1 kalamangan kasunod ng pagpapaluhod sa Boosters sa iskor na 132-105 sa pagbibida ni Jason Castro na nagtumpok ng 23 puntos.

Pumutok ang import na si Scottie Reynolds ng 17 puntos habang si Larry Fonacier ay nag-ambag ng 16 sa panalo ng Tropang Texters sa Game 3.

Ang nakagugulat na 67 porsiyentong three-point shooting ng Tropang Texters ang bumali sa gulugod ng Boosters sa nakaraang laro kung saan nagbuslo ang mga ito ng 16 sa 28 tira mula sa labas.

Tinanghal na Best Player of the Conference si Arwind Santos ng Petron habang si Arizona Reid ng Rain or Shine Elasto Painters ang nahirang na Best Import ng kumperensiya. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply