PCG hihingi ng tulong sa LGUs

DAHIL sa patuloy na pananalasa ng bagyong Mina sa Northern Luzon, nakipag-ugnayan na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga local government units (LGUs) na mahigpit na pagbawalan ang mga pumapalaot pa ring mangingisda sa kagaratan.

Ayon kay PCG Detachment Commander Coast guard petty Officer Datario Tureno ng Dagupan City Detachment headquarters, nahihirapan silang i-monitor ang mga mangingisda na patuloy na pumapalot sa karagatan tuwing masama ang panahon dahil na rin sa kakulangan nila ng floating asset.

Dahil dito, nakikipagtulungan ang coast guard sa local na pamahalaan at maging sa mga barangay upang mabantayan ang mga mangingisda sa kanilang lugar.

Ayon kay Tureno, hindi na rin nila pinapayagan pumalaot maging ang mga malalaking bangka upang makaiwas sa anumang kapahamakan.

Gayunman, pinaalalahan pa rin nito ang mga mangingisda na mag-ingat at huwag nang magpilit pumalaot pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply