PCOS machine ihohokus-pokus para makapandaya sa 2013

AMINADO si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, Jr., na ngayon pa lamang ay pinag-aaralan nang imaniobra ng mga political operator ang mga ginamit na precinct-count optical scanner ( PCOS) noong 2010 presidential elections.

Ibinulgar ito ni Brillantes sa ginanap na Talakayang Makabayan sa Club Filipino kahapon ng umaga at sinabi pa niyang kaya pinag-aaralan at mina-master ng mga political operator kung paano gumagana ang PCOS machines ng Smartmatic ay para makapandaya sa nalalapit na midterm elections.

Ngunit, kinumpirma ni Brillantes na gumagawa na sila ng paraan para mapigilan ang maitim na balak ng ilang political operator.

Para naman sa bagong talagang senador na si Atty. Aquilino “Koko” Pimentel, III, ang umano’y nadayang kandidato noong 2007 midterm elections, hindi garantiya na kapag automated ang halalan ay wala ng magaganap na dayaan.

May mga operasyon pa rin umano ang ilang political operators noong 2010 elections kung saan nalalagyan na ng shade ang mga balota bago pa man bumoto ang mga botante.

May pagkukulang din umano sa pagta-transmit ng datos mula sa microchips ng PCOS.

Hindi rin umano magagamot ng automation ang problema sa vote-buying at intimidasyon sa mga botante tuwing halalan.

Samantala, ibinigay naman nina Bayan Muna Rep. Teddy Casiño at ilan pang miyembro ng Makabayan Coalition sa House of Representatives, gayundin nina Senador Chiz Escudero at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Mary Grace Poe-Llamanzares ang kanilang pagbati kay Pimentel.

Ang hiling lamang nina Casiño, Escudero at Llamanzares ay maitama sana ang kasaysayan sa kung sino talaga ang tunay na nagwagi noong 2004 presidential elections sakaling mapatunayan na nanalo nga si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pamamagitan ng pandaraya.

“We are one with Sen. Koko Pimentel in seeking for the correction of history and prosecution of CGMA (Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo) and her cohorts, not only for electoral fraud, but for economic plunder and rights violations as well,” giit pa ni Casiño sa isang press statement.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply