PCSO lilimitahan ang tulong sa NGOs

LILIMITAHAN na pansamantala ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pagtulong sa mga non-governmental organizations (NGOs) at charitable institutions na pang-nasyunal bilang isa sa mga hakbang sa pagpapatupad ng mga bagong polisiya at reporma sa ahensya.

Dahil dito ay humihingi ng pang-unawa ang pamunuan ng ahensya na si sa pangunguna ni PCSO chair Margarita Juico sa mga grupong maaapektuhan ng pagbabago.

Ito ay bunsod na rin umano ng P4 bilyong utang ng PCSO na iniwan ng dating administrasyon na kanila na ngayong binabayaran.

Patuloy pa rin namang susuportahan ng ahensya ang mga medikal at pangkalusugang pangangailangan ng mga grupong apektado subalit hindi na ang kanilang mga administrative na gastusin.

Nangangahulugan umano na ang mga NGOs ay hindi na magagamit ang dating sistema ng Institutional Financial Assistance Program (IFAP) na pondo para sa kanilang mga administrative at miscellaneous na gastusin tulad ng bayad sa ilaw, tubig, honorarium sa mga volunteers at health workers, repair at maintenance at iba pa.

Umaasa rin si Juico na babalik sa normal ang lahat bago matapos ang taon at maibabalik din ang suporta sa mga NGOs at mga grupong umaasa sa ahensya. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply