PDBF pangungunahan ang PHILSCA sports competition

SASAGWAN bukas (Miyerkules, Agosto 31) ang pinakaaabangan na Philippine State College of Aeronautics (PHILSCA) Intercolor games sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Pangungunahan ng Philippines Dragon Boat Federation team, kung saan miyembro ang PHILSCA president na si Dr. Bernard R. Ramirez ang opening ceremonies.

“PHILSCA is ready to host the Intercolor games.Everything is in place for the hosting of the annual sports competition,” ani ni Gigi Abalos-Manaog, over-all in charge sa nasabing three-day sports competition na magtatapos sa Biyernes.

Matatandaan na ang Philippine Dragon Boat Team ay gumawa ng bagong world record sa mga na dinomina sa 10th International Dragon Boat Federation World Championships sa Tampa, Florida kamakailan.

Kabilang sa mga naipanalo nila ay ang 1000-m men’s event, 200-m men’s event, 500-m men’s event, 200-m mixed event, at 500-m mixed event. Sa kabuuan ay pitong medalya ang naiuwi ng koponan kabilang ang limang ginto at dalawang silver.

Masisilayan ang PHILSCA top at promising athletes na sasabak sa basketball, volleyball, badminton, arnis, sepak takraw, taekwondo, chess, table tennis, cheerdance, dodgeball, tug of war, shower ball at patintero. Karagdagan atraksiyon din ang beauty contest search para sa Mr. at Ms. PHILSCA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply